Gaano Ba Kahalaga ang Eleksiyon?
Filed under Balita , by dadiwamoi on 2:31 AM
0
Maaring masasabi mo na kahit sino man amg mahalal na mga opisyan ng bansa ay ganun din naman ang kahahantungan ng ating mga buhay. Naa-alala ko nung isang linngo nang may makasabay ako sa jeep na matandang lalaki na nagsasalita ukol sa darating na eleksiyon... "Ganun din naman kahit sino ang manalo ganun din naman, mamamatay din akong mahirap. 40 years na ko nagtatrabaho kahit minsan di ko naramdaman ang asenso puro banat banat na ko sa trabaho. Ang mahala ay manalo lang ang ini-idolo ko. Magnakaw man oh hindi basta yung idol jo yun ang iboboto ko. Manhid na ko." Siguro nga para sa matandang ito ang eleksyon ay isang palamuti lang ng bayan at hindi dapat seryosohin.
Inaamin ko, ako man ay nagkakaroon din ng diskompyansa at minsa'y naisip na iboto nlang ang unang kandidatong pumasok sa isipin ko sa araw ng eleksyon. Ngunit, lahat ng ito ay nagbago kahapon. Nang ako ay pauwi mula sa trabaho, ilang eksena ang dumapo sa aking mga mata at kaisipan. Sa Cubao, sobra ang init at bigat ng traffic dahil sa mga pila sa sakayan ng bus papuntang probinsya sa isang mall sa Cubao. Isang kaguluhan ang aking nadaanan at agad ako pumunta upang maka-alam. Isang lalake ang nawalan ng malay sa isang sulok ng isang fast food chain.
Ang lalaking ito ay walang sinumang kasama o ka-alalay man lang. Hindi makapagsalita ang lalaki sa sobrang hina kaya pasenyas nlang niyang sinagot ang mga tanung sa kanya. Nang mahimasmasan ay agad na binigyan ng isang service crew ang lalaki ng tubig. Nang tanungin siya ng isang security guard kung siya ay uuwi ng probinya, Tumango ito sa sagot na oo. Nang tanungin naman kung siya ba ay gutom hindi siya sumagot at naluha. Kaya isang babae sa ngalang "Leoni" ang agad na nag-abot ng pagkain na dapat sana ay babauinin nya sa pag-uwi rin sa probinsya. Maluha-luha ang lalaki habang nahihiyang kinain ang pagkaing ibinagay sa kanya.
Matapos kumain ay medyo nakakilos na nakasalita na ang lalaki ngunit banaad pa din sa kanya ang pagka-tamlay. Sa pagsubok niya na tumayo, napaluha ulit ang lalaki at sinabing "Gusto ko lang po bumoto." nagg aming tanuning kung bakit ganun nlang ang hangad nya bumoto. Sinagot nya kame "baka po maiahon kame ng kandidato ko, naaawa na po ako sa nanay ko." Ilan sa mga taong nakapalibot ang nagcommento din na sila din ay boboto lamang. kaya kahit sa init ng pila ay titiisin nila para sa pag-asang mabago ang lipunan. Tinanung din namen ang pangalan ng lalaki ngunit ayaw nya ito sabihin.Sakto lang din daw ang kanyang pera pamasahe kaya hindi siya maka-bili ng pagkain.
Kung sa lalaking iyon ang pag-boto ay ganung kahalaga para magsakripisyo at ubabot sa ganun ang pangyayari, anu pa kaya ang iba't ibang dahilan ng mga taong nakikipagsiksikan at tulakan upang maka-uwi at maka-boto. Dalawang araw bago mag-eleksyon eto ang mga tagpo sa bus stations.
Ngayon ko naisip na maraming tao ang nag-hahangad at naniniawala na ang eleksyon ay hakbang para sa tunay na pagbabago. Ngayon namulat ako na baguhin ang aking paniniawala sa dadating eleksiyon. Akin na ngayung pinag-aaralan ang bawat kandidato dahil gaya ng paniniwala ng marami. Baka nga nasa kamay ng mananalong kandidato ang pagbabago ng bayan ko.
Hindi na muling babaliwalain ang boto. Kayo? pareho din ba ang paniniwala nyo? o gaya lang kayo ng matandang lalaki na walang paki-alam kung sino manalo dahil sarado na ang isip sa salimuon ng kalagayan ng bayan?






Comments Posted (0)
Post a Comment