Pasahero Mangga-gansto

Filed under , by dadiwamoi on 9:45 PM

0

Pasahero, mga taong sumasakay sa pampublikong sasakyan, Mangga-gantso, ugaling di na maalis sa mga napakaraming Pilipino. Sa artikolon ito mababasa ang iba't ibang pamamaraan ng ating mga kababayan sa pag-iwas, di magbayad at manlamang sa mga sinasakyan nilang mga pampasaherong sasakyan. Madalas ang kamalian at pamumuna ay sa mga driver at kundoktor. Ngayun, silipin natin ang mga kamalian mo! Pasahero! Paunawa na hindi ko inilalahat ang pagtukoy. gusto ko lang malaman ng bansa (kung sakaling hindi mo pa alam) at ng buong mundo ang mga gawain ng ibang pasahero sa ating bansa. Narito:

Paano umi-iwas sa bayaran sa isang pam-publikong sasakyan:
1. Nagtutulug-tulugan para hindi masingil sa bus o sa jeep
2. Sinasabing kasasakay plang kahit hindi naman.
3. Pag may nag-abot ng bayad, sa halip na "bayad daw oh" ang sabihin, "bayad oh" and sinasabi, para bang sa kanya ang bayad.
4. Sasakay sa likuran ng isang tayuang bus dahil alam nya na hindi na sya aabutan ng kunduktor at bababa kaagad sya.
5. Magku-kunwaring walang barya at buo ang kaperahan para hindi na masingil.
6. Magpapa-cute sa kunduktor para makalusot.
7. Aarte na nadukutan (sana nga!)
8. Magbabayad ng minimum ngutin sa malayo pa bababa.
9. Sasabihin na nagbayad na kahit sa totoo ay hindi pa.
10. Pag may ibang pumara, bigla nlang bababa.

Paano pagka-kitaan ang pampublikong sasakyan ng isang pasahero:
1. Hihingi ng sukli kahit di pa bayad.
2. Sasabihing limang daan ang ibinayad kahit isan daan lang pala.
3. Mang-aakin ng sukling pinakiki-abot lamang.

Sa pagkakataong ito marahil ay marami pa kayong maida-dagdag sa listahan na ito. Inuulit ko, hindi ko inilalahat ang pagtukoy at marami pa din sa ating mga kababayang pasahero, na talaga namang malinis at tapat sa sinasakyan.

Sa mga pasaherong nabibilang sa mga gumagawa ng mga ganitong paraan. Maawa naman sana kayo sa mga mamang driver at konduktor. OO nga't hindi malulugi ang may-ari ng bus sa hindi ninyo pagba-bayad ngunit ang mga kundoktor naman ang mag-aabono. Alam naten na minsan ay nagigipit din tayo ngunit hindi ito sapat na dahilan para gumawa ng ganito. Kung sa bagay, Snay ka na pala at makapal na ang mukha mo at hindi ka na nahihiya. "Di bale na sila mahirapan, wag lang ikaw." di ba? Mabuhay ka Pinoy!

Comments Posted (0)

Post a Comment